obssessed possessed.
Posted by reynangmgatae at 05:39 PM on June 5, 2006.



 <-- yan ang ichura ng obsessed possessed.

Naramdaman mo na ba yung sobrang tutok ka sa isang bagay na nakalipas na ang dalawang araw eh nde ka pa pala nakakatulog? magugulat ka na lang... lunes na pala. tutulala ka lang sa isang tabi, tas lunes na ulet. twilight zone e noh. nuni nuni nuni nuni nuni nuniiii..

lage nangyayare saken yan. sa kahet ano. sa malalaking bagay. maliliit na bagay. sa hanapbuhay. sa kutkutin. at sa lahat ng maisipan kong gawin.

nung isang linggo, binalak ko magpaka-cheesy. yumbang pangtunaw ng puso sa aking irog. awww! awww! nag-gupit gupit ako ng magazine, ginawa ko silang kasing lake ng notbuk.. tas, isa isa kong binutasan na pang lagay ng *spring bayun?* (pasensya na, info overlowd e..stak ap ang utak) basta yunayon! gets mo diba? oha! matalino! brabo!

ang masaket. (yes, masaket. dinibdib ko) ay ang pagbutas ng bawat isang "recycled" na papel gamit yung oldskul na puncher. alam mo yung parang can opener ang ichura na tig-bente ang isa? yun na nga! napakasakit. pero sa ngalan ng pagibig, natapos ko sila.

tapos, since bawat page nung aking "pa-artsy" na nowtbuk ay may kung ano anong ads ng napkin, ketchap, shampoo, at ek ek ng mga pc *yesss, salamat sa pcmag mo ate*  ..... napaisip ako bigla "nako, pano ngayon makikita yung 730risonshuwayaylabyu ko para ke irog"

oo. kinausap ko talaga sarili ko. ng malakas. nagulantang pa nga pusa ko e. eh di napalipat naman ako sa bond paper. sha naman ang target ko. gugupit ako ng mala-pangkomiks na baloon na hugis tatsulok yung dulo. imagine mo? oo yun. yung madalas ginagamit sa *pow!* *kaplak!* *bagoom!* ng mga komiks.

isa isa ha. 730 na maliliit na papel.. wid matching maarteng number pa. kala mo hayskul e no? na batong bato sa klase at kung ano anong papel ginugupit pambato lang sa kunsinomang klasmeyt.

eh wala akong glue. lam mo ginamit ko? rugby! yes. ay was high dat day men. "anong araw nga yon?"

di ko na alam. basta nung natapos ako, nakita ko na lang sarili kong nakatulala sa salamin. nde ko pala maisip kung ano gagamiting kong spring.

nagtry ako magsira ng mga luma kong nowtbook (may silbe pala talaga ang pagaaral) kaso, nde ko alam kung pano ipapasok sa mga kyutnakyut na butas nung papel.

ang makulet sa lahat, nung nde ko maisip kung ano gagawin ko.. ang aking "so-called" surprays para ke irog, ay sa kanya ko rin pinagawa.

possessed.

anlabo.

ngayon naman, trabaho inaatupag ko. tingin mo meh pagkakaiba? woooo. wala. isa pa rin akong nagmamarunong na nde alam ang ginagawa. pero, kumpara naman sa nowtbuk, mas ok na yung trabaho.

kse khet 3 days pako d matulog sa pagsusulat ko, alam ko me sahod. e ang nowtbok?

ay, oo. labor op lab.

yan ang possessed! ansaya no?

sabog ang utak ko. pakipulot nga?

 

 

 


nde nakakatuwa ang walang kamatayang rak en rol.
Posted by reynangmgatae at 10:43 PM on April 23, 2006.



ankulet noh? nde naman ako tumatanda, ramdam ko namang immature pako sa mga bagay bagay. nararamdaman ko namang maharot pa rin ako at ungas kadalasan. pero pag dating sa trabaho, robot ako.

ankulet ng trabaho ko e. isang malupet na kalayaan. manunulat ako ng mga seryosong web site. owyes. hahaha. oo, wala sa aking pagkatao. pero kelangan.

ikaw ba nagttrabaho ka sa call center dhel pangarap mo makipagusap sa kano, bumbay at kung sino mang dayuhan? ikaw ba nagttrabaho ka sa kapihan dahel adik ka sa amoy ng kape? shempre, napipilitan lang. ganun trabaho diba? sapilitan.

pero merong iba, na gaya ko, na hawak ko ang oras. isa akong freelancer. wala akong boss. wala akong opis meyt. nakatapat lang ako sa monitor buong araw. lumalake pwet sa kauupo. tumataba ang balikat sa kakahukot. at lumalabo ang mata sa kalapitan sa monitor.

nde ako nagrereklamo panalo trabaho ko at madaling araw ako nagsusulat. isa pa, pwede ako tumalikod sa monitor, ispatan ang aking jakpot na boypren, at halikan sha ng isang mainet na halek.

kaso ang hasel, pag nagkaron na ng inuman, nagkaron na ng ingay, nagkaron na ng mga walang kwentang tao sa paligid ng aking mumunting opisina, wala na akong choice kundi mahasel.

wala naman akong magagawa kung wala talaga silang pakielam kung may nagttrabaho dito diba? mga pakshet kayo!

o sino kaaway ko? eh di sino pa. ang pinaka groovy sa lahat ng oldskul. ang pinakacool sa lahat ng kapanahunan ng "combo" ang pinaka-updated sa lahat ng karak enrolan sa eksena ng pinas. sino pa, kundi ang tatay ko.

oh. sikat yan. sikat sa rak en rol scene. pero ang hasel dun, kilala sha ng lahat ng kebigan ko, kebigan ni ate, kebigan ni kuya. nakakatuwa ba naman na tropahin nya ang tropa mo? landiin nya ang tropa ko?

nde. hasel. pakyu. ayoko na ng rak en rol.

I QUIT!

sino gusto bumili?

murang mura.

o sige, sa inyo na.

for free. ang pinakacool na tatay sa balat ng ert.


sleep medaleng... sleep..
Posted by reynangmgatae at 07:07 AM on October 1, 2005.



my darling brain why don't you sleep?

it's driving me crazy, i can't breathe.

my darling brain what's wrong with you?

isn't there enough oxygen up there to use?

Have you any clue of what this is doing me,

i get all dizzy and paranoid endlessly.

would you please tell me what to do?

just for one day, could i shut you down too?

 


wag mo gulatin ang utak mo!
Posted by reynangmgatae at 05:51 AM on September 29, 2005.



Nasabaw ang utak ko ng mahiget sa limang taon na. Makulet na pangyayare dahil nagaaral naman ako sa napakabangis na kolehiya ng pup. Onga, ipagtanong nyo pa sa lahat ng studyante dun, wala ka talaga matututunan sa skul namen.

OWyes. 12 pesos per unit don. OMG. HOLYsyet. Wadapak. OA? Nde nga? dontpulmymaderpakingleg no?

oo. ilang beses ko na narining yan. Pero kenkoy ang pagaaral don. Napaka-petiks ng lahat ng tao minsan magiging sobrang bato ka na sa pagtambay arawaraw.

Ngayon? nagaaral pa rin ako. Malapet nako maging doktor na journalist.  OWYEAH! Pero, ngayon ko lang napatunayan na ang pagiging tambay sa skwelahan pala ay nde nakakatuwa.

Baket kamo? Dahil ngayong kailangan na gumana ng aking mumunting utak... eh nahihirapan na.

Parang iniisnab ako ng mga impormasyong alam ko namang nasa kokote ko, parang humihiyaw na "Tangina ka? tapos ngayon iistorbohin mo kame?"

kwela. pero badtrip. kelangan ko na maayos pagiisip ko.

Pero pano ko gagawin to na hindi gugulatin utak ko?


« Newer · »
EDITORYAL -- Magkakambal ang gutom at kamangmangan
IMPOSIBLENG gumana ang utak kapag walang laman ang tiyan. Kapag walang sustansiyang pumasok sa utak, magiging mahina at walang pakinabang. Kailangang punuin muna ng pagkain ang bituka at saka isunod ang ulo. Sa paraang ito makatatakas sa kamangmangan.
Kabuuang Balita
Nabulgar na!
Matapos ang   matagal na pagsisiyasat sa reyna ng tae, nailantad na at naiharap sa korte ang makamundo...
kalaswaan ng tae Itutuloy... p. 2
Litrato
Ambot kon unsa'y nakaon o kon unsa'y problema sa usa ka lalaki nga nag-ala-spiderman ug milukso sa iyang...
your name:

url:

your message: